Thursday, September 18, 2008

LP# 25: Ginintuan

paumanhin sa aking matagal na pagka-wala sa LP. natambakan lang ng maraming trabaho at nawalan na ako ng pagkakataon lumahok at maka kuha ng mga litrato para sa LP. ngunit ako'y nagbalik at sana simula na ito ng aking lingguhang paglahok.

eto ang aking lahok sa linggong ito:


hindi talaga ako mahilig sa ginto, at ito na lamang ang nagiisang bagay na may
bahid ng ginto na naisusuot ko araw-araw.
ito ay pulseras na galing sa aking asawa.
binigay niya ito sa akin nung kami ay magkasintahan pa lamang.
at ito na rin ang naging simbolo ng kanyang pagiging tapat sa akin.
sa susunod na lang daw ang white gold na singsing
pag dating ng aming kasal sa simbahan.

maligayang LP sa inyo! =)

12 comments:

  1. di rin ako mahilig sa ginto... sa dilaw na ginto. mas gusto ko ang puti :D hehehe...

    salamat sa pag-welcome sa akin sa LP. maligayang LP rin sa yo!

    Cez't La Vie

    ReplyDelete
  2. matagal-tagal din ang hiatus mo ah

    ReplyDelete
  3. oh akin na lang kung ayaw mo.. hehe happy LP

    http://jennysaidso.com/2008/09/litratong-pinoy-goldengold.html
    http://jennys-corner.com/2008/09/litratong-pinoy-ginintuan-goldgolden.html

    ReplyDelete
  4. ako man, mas gusto ko ang puting ginto o kaya pilak. happy lp!

    ReplyDelete
  5. Ako man di mahilig sa "hepatitic gold" - para kasing mas elegante ang puting ginto o di kaya e platinum. Sana nga matanggap mo na ang ka-partner na singsing soon!

    Happy LP sa iyo!

    ReplyDelete
  6. charriol? nice! :) ako rin halos white gold ang aking mga alahas dahil hindi rin ako mahilig sa yellow gold. yung engagement at wedding rings namin ni-request ko talaga white gold. :)

    LP Ginto sa MyWork
    LP Ginto sa MyParty

    ReplyDelete
  7. ang sweet naman ng iyong kasintahan, haze. :D i'm sure bonggang bongga ang white gold na singsing pagdating sa kasal! :D

    ReplyDelete
  8. this is the fourth time I saw a golden ring today while bloghopping in LP. Pare pareho pala tayo di mahilig sa Ginto. The only gold I have in my possession is a Gold bracelet and a golden necklace. Di ko naman sinusuot

    ReplyDelete
  9. masakit sa mata yung naninilaw ang daliri kay relate ako jan 'te

    ReplyDelete

Add some chika too while you make your comments =)