Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

My life unplugged

my daily thoughts and ramblings on motherhood, raising my kids, being a wife and everything else in between that matters in our life.

Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts
Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts

Thursday, May 14, 2009

LP#57: Nang Matapos

dalawa ang aking ilalahok para sa tema ngayon.

ang una: nang matapos ang kaininan, eto lang ang natira:

yan din ang nilahok ko sa nakaraang LP.

nang matapos na kami kumain, tila toge lang ang natira sa aking plato. hindi kasi ako kumakain ng toge kung katabi siya ng pagkain ko. pang lumpia lang siya para sa akin. haha

oOo

ikalawang lahok: nang matapos ka sa pag-aaral ng nursery

nang makatapos ang aking panganay sa nursery, di mapinta ang kanyang tuwa dahil big boy na daw siya at ready na daw sa big school. tila yata excited nang lumaki ang anak ko. sana naman wag muna, baby ko pa rin siya eh.

oOo

at ang sequel sa nakaraang lahok sa LP... nagsimula kaming maliit lang na pamilya, ngayon magkakaroon na kaming 3 anak! isipin mo yun? :)

maligayang LP sa inyo!

Thursday, May 7, 2009

LP#56: Simula pa lang


Ganito kami noon, mga batang magulang. Medyo ligaw pa sa pag-aalaga ng isang sanggol. sa tingin ng iba kami'y naglalaro lamang ng bahay-bahayan. halatang hindi pa handa sa bigay ng tadhana. ngunit sa mga ngiti namin, kami ang pinaka swerte na tao sa buong mundo dahil may anghel kami sa lupa.

at ito ang simula ng aming masayang pamilya.

happy LP sa inyo!

Thursday, April 30, 2009

LP#55: Tulay

sa tahimik na gabi, ikaw lang ang bantay

ang nagiisa kong kasama sa aking paglakbay

ito ay kuha kagabi nang kami ay pauwi galing opisina. ito ang tulay sa may sta. ana. minsan lang namin maabutan na halos walang kasabay na mga sasakyan sa aming pag uwi. na ikinatuwa naman ng aking asawa dahil makakasama siya sa aking lahok ngayon.

happy LP sa inyo!

*ang laki rin ng tulong ng aming di pag linis ng windsheild ng sasakyan at ito'y nakatulong sa pag dagdag sa dramatic effect. hehe

Thursday, April 23, 2009

LP#54: Gusali

Paumanhin po at bigla nanaman akong nanahimik sa LP. kasalukuyan po akong nagdadalang-tao ng aming ika-3 anak at medyo ito ang kumakain ng oras ko maliban sa trabaho.

eto na po ang lahok ko para sa linggong ito:


sa iyong ganda at lapit sa dalampasigan, tiyak, balang araw, magkikita tayo muli. salamat Microtel Inn Cebu sa iyong pagtanggap sa amin.

Thursday, February 19, 2009

LP46: Tipanan


di ba't napakasaya tignan ang pinagkainan ng malinis at ubos ang pagkain?

isa ito sa mga paboorito kong kainan na balang araw eh maisasama ko ang aking kabiyak para matikman din nya kung gaano ka-sarap ang pagkain nila.

sa susunod namin tipanan, dito ang tungo namin.

happy LP sa inyo! ako'y muling nagbabalik! =)

Thursday, October 30, 2008

LP#31: Kadiliman

minsan, kailangan natin ng kadiliman para makita ang kagandahan ng ibang mga bagay.

kuha ito noong nasa isang bar kami sa marikina. di gaano ka liwanag ang lugar ngunit sa tulong nitong telang lampara, nahawi ng onti ang kadiliman.

gandang araw ng LP sa inyo! :)

Friday, October 24, 2008

LP30: Liwanag


imulat ang iyong mata
ihawi ang tulog
buksan ang kurtina
hindi bat napaka ganda
na sa pag mulat mo
ang liwanag ng bagong araw ang
sasalubong sa iyo?

kuha sa Manila Hotel. alas-6 ng umaga

Thursday, October 2, 2008

LP#27 Aking kompyuter


matagal na akong nasanay gumamit ng isang desktop na computer, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na mag may-ari ng isang laptop sa tulong ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko. kailangan din kasi. kadalasan akong nasa field at kailangan ko ng laptop para sa mga pagkakataon na kailangan ipakita sa kliente ang mga binebenta ko.

ngayon, makakahinga na ako ng malalim dahil, kahit paano dadali na ang buhay ko.

maiuuwi ko pa sa bahay at di na kailangan makipag-agawan sa pc kung kailangan.

Thursday, September 25, 2008

LP#26 Puti at itim

napaisip ako sa tema ngayong linggo. ang daming pwede gamitin para sa puti at itim...

ito ang cake ng aking panganay nung nagdiwang siya ng ika 3 niyang kaarawan. sa pagka-alala ko, eh hiniling niya na tsokolate ang kanyang cake. mabilis din naubos ito dahil sobrang sarap niya. kahit na sa anak kong hindi mahilig sa tsokolate (di ko rin alam kung bakit niya hiniling na yun ang bilhin) nagustuhan din niya ito.
ito naman ang salamin ko na ginagamit ko sa pag babasa. minsan na siyang nawala (na plurk ko pa ito) at sa awa ng diyos, nahanap ko na rin. nabaon lamang siya sa dami ng kontrata at papel sa aking tokador.

happy LP sa mga bumisita. :)

Thursday, September 18, 2008

LP# 25: Ginintuan

paumanhin sa aking matagal na pagka-wala sa LP. natambakan lang ng maraming trabaho at nawalan na ako ng pagkakataon lumahok at maka kuha ng mga litrato para sa LP. ngunit ako'y nagbalik at sana simula na ito ng aking lingguhang paglahok.

eto ang aking lahok sa linggong ito:


hindi talaga ako mahilig sa ginto, at ito na lamang ang nagiisang bagay na may
bahid ng ginto na naisusuot ko araw-araw.
ito ay pulseras na galing sa aking asawa.
binigay niya ito sa akin nung kami ay magkasintahan pa lamang.
at ito na rin ang naging simbolo ng kanyang pagiging tapat sa akin.
sa susunod na lang daw ang white gold na singsing
pag dating ng aming kasal sa simbahan.

maligayang LP sa inyo! =)

Friday, June 27, 2008

LP#13: Pagaaral


nasa iyong mga kamay ang pag pili ng mga taong magiging kaibigan mo habang buhay. maliban sa amin, iyong mga magulang, kailangan mo ng kaibigan para gumabay sa iyong paglaki, at saan mo pa sila mahahanap kung hindi sa paaralan kung saan ka nag aaral. pumili ng mahusay anak...
mataas din ang respeto ko sa mga guro, lalo na sa mga guro ng mga bata. sa lahat ng pag tiyaga nila at pag pasensya. kung hindi dahil sa kanila, paano na ang pag aaral natin?

Thursday, June 19, 2008

LP#12: ITAY

sa oras na kailangan mo ako, anak
andito lang ako
inaabot ang aking kamay
para gumabay sa iyo


hindi mo alam ang lubos na tuwa
sa aking puso
kapag pinagsisilbihan
ko kayo, mga anak

para naman sa tatay ko:
at ganun din ang pakiramdam naming mga anak mo, dada
(kahit na iniwan niyo ako nung nang HK kayo. huhu :P)


maligayang araw ng mga ama sa mga taga LP!

Thursday, June 12, 2008

LP#11: Kalayaan

paumanhin sa mga ka-LP ko at hindi ako naka lahok noong nakaraang huwebes, ang aking dakilang point and shoot ay nasama sa paglalakbay papuntang HK habang ako ay iniwan dito at sawi =(

o siya, eto na ang lahok ko:

kuha ito noong nakaraang taon nang nagpunta kami ng aking butihing asawa sa tagaytay para sa aming anniversary.
naawa ako sa asong ito dahil mag isa lang siya sa isang bahay. kahol siya ng kahol at nagpapapansin dahil gusto niyang makalabas ng gate at gumala. tignan naman ang itsura niya, hindi ka ba maawa?
ang mga baka namang ito eh nagsisiksikan sa trak papuntang maynila. kung alam lang nila ang kahahantungan ng kanilang kapalaran... sa ating mga plato.

Thursday, May 29, 2008

LP#9: Ihip ng Hangin

parating na ang bagyo!! ramdam mo na ba ang lakas ng hangin habang ikaw ay nasa pampang?

kuha ito nung nag outing ang aming department sa batangas. noong panahong iyon, bago itong makulimlim na ulap at malakas na hangin, mataas ang sikat ng araw, sa ilang minuto lang na lumipas, bigla na lang nag iba ang panahon.

nakakita pa kami ng ipo-ipo sa dagat. ganun ka lakas ang hangin na parating sa aming lugar. paumanhin na lang po at yan lang ang kinaya ng zoom ng aking point and shoot. pero siguro naman eh naaninag ninyo ang ipo-ipo sa dagat? nilagyan ko na lang ng pang turo para alam nyo kung nasaan yung ipo-ipo.

Friday, May 23, 2008

LP#8: Tubig


dati
araw-araw nagagamit ang pool pag tag araw
ngayon
mistulang palamuti na lamang sa bahay
at minsan ay wala pang tubig

siya nga naman, sa hirap na ng buhay ngayon
magagawa mo pa bang magsayang ng tubig
na kailangan ng ibang tao?

panahon na para tayo ay mag ipon
maging praktikal
wag magaksaya

unti-unti nang nauubos ang mga resources
ng ating kalikasan
dapat naman siguro tayo naman ang magsukli
diba?

Thursday, May 15, 2008

LP #7: Umaapoy


sa bawat araw ng ating pagsasama
ang apoy at init ng kandilang ito
ay walang katulad
walang susukat
sa iyong pagmamahal


para kay aishi =)

*may ihahabol pa akong isang lahok, pero ito naman ay kuha ng ama noong paslit lamang ako at uso pa ang mga brown-out. hehe

maligayang LP sa inyo!

>gagawa pala ako ng list/link ng mga LP friends, kung gusto niyo makasama, mag comment kasama ang link o mag email sa akin: hazel(dot)yago(dot)hung(at)gmail(dot)com. tenchu! <





Friday, May 9, 2008

LP#6: Mahal na Ina

paumanhin po sa delay ng aking lahok. =)

walang mga salita o mga akda ang makakapag halintulad sa unang paghawak mo sa iyong anak. na sa bawat hawak at haplos, tumatahan ang munting sanggol sa pagiyak. napapawi ang lahat ng takot. sa kandungan ni inay ang iyong tunay na tahanan. walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga supling. lahat ng paghihirap ay nawawala makasama lang ang mga hulog ng langit. ang sukli lang na hinihingi ay ang mga ngiting hindi maipipinta nino man.

at siyempre para sa aking ina. na kahit na para kaming aso't pusa kung magaway eh hindi ko pa rin ipagpapalit. nagiisa lang siya. kahit hindi mo nababasa ang blog ko, kahit na hindi ko nasasabi o napapadama ng pisikal. alam mong mahal kita. ganun lang ka-simple.

Friday, May 2, 2008

LP# 5: Malungkot

sa mga pagkakataon na abutan ka ng lungkot, minsan ay mahuhuli mo ang sariling nakadungaw sa bintana. tulala. nagiisip.

ang pag dungaw sa bintana ay mistulang mga rehas ng kulungan ng iyong kalungkutan. hindi ka makawala, at makakilos ng lubusan. ikaw ay nilalamon ng mga pag iisip na nakakasira ng iyong pagiisip. na ang mga bagay sa labas ay tila abot ng iyong mga kamay ngunit malayo pa rin dahil sa mga nakaharang na rehas ng bintana at ng iyong kalungkutan.

paumanhin po sa masalimuot na akda. ang tema ngayon ay sadyang angkop sa aking kalagayan. miss na miss ko na ang mga chikiting ko dahil sila ay nagbabakasyon sa kanilang lola kaya ganito na lang ang lungkot sa aking puso. bilang ina, mahirap mawalay sa anak kahit na ba 2 jeep lang na pagpasahe ang layo nila sa akin. mahirap matulog ng hindi naamoy ang kanilang mga nakakagigil na halimuyak. ngunit alam ko naman na sa mga darating na araw eh makikita ko sila at balik sigla na ulit ang kanilang ina.

Friday, April 25, 2008

LP # 4: Hugis ay Pahaba

pahaba ang hugis ng leeg ng isang gitara pati na rin ang mga kwerdas nito. hindi buo ang isang gitara nang wala ang mga kwerdas nito. hamak na gitara lamang ito sa aming tahanan ngunit ang laki ng silbi sa aming pamilya. diyan ako unang natuto ng isang awit na nakita ko lamang sa isang songhits, dyan nabuo ang ang banda ng kapatid ko, sa tulong ng gitarang ito, mas naging malapit kami ng pamilya ko dahil lamang sa iisang hilig. ang musika.

maligayang LP sa dumalaw! =)

pahabol: kaninang umaga ko lang ito ginawa pagkatapos kong ihatid sa paaralan ang aking panganay. nawala sa isip ko na wala pa pala akong lahok para sa linggong ito. buti na lang at habang tulog pa ang mga kapatid eh, nakuha ko ang gitara nila kung hindi hindi ko ito makukunan ng ganito.

Thursday, April 17, 2008

LP# 3 Apat na Kanto

ang ikalawang lahok para sa litratong pinoy para maging ganap na kasapi ng grupo. ito ay isang pagsubok sa macro shot ng aking hamak na canon ixus.

masamang bisyo.

ngunit itoý hindi maiwasan dahil sa hirap ng trabaho. isip dito isip doon. ito lang ang isa sa mga bagay na nakakatulong sa pag luwag ng isip kahit sa loob lang ng 5 minuto bago bumalik sa trabaho. oo masama nga, wag na rin tularan. balang araw, ititigil ko ito.