sa unang pagsali ko sa LP kasama ang napiling tema, ito agad ang pumasok sa isip ko. galing ito sa aming pagtungo sa bicol at kapanahunan noong akoý 5 buwang buntis sa aming panganay na anak. ito ang unang pagkakataon kong makita ang bulkang mayon ng buong buo at totoo nga ang sabi ng mga naunang nakakakita nito. nakakamangha nga siya at hindi ka magsasawa sa pagsulyap sa kanyang kagandahan.hanggang pag uwi siya pa rin ang naalala ko at ang mga kwento habang kapiling ko ang mayon.


