parating na ang bagyo!! ramdam mo na ba ang lakas ng hangin habang ikaw ay nasa pampang?kuha ito nung nag outing ang aming department sa batangas. noong panahong iyon, bago itong makulimlim na ulap at malakas na hangin, mataas ang sikat ng araw, sa ilang minuto lang na lumipas, bigla na lang nag iba ang panahon.
nakakita pa kami ng ipo-ipo sa dagat. ganun ka lakas ang hangin na parating sa aming lugar. paumanhin na lang po at yan lang ang kinaya ng zoom ng aking point and shoot. pero siguro naman eh naaninag ninyo ang ipo-ipo sa dagat? nilagyan ko na lang ng pang turo para alam nyo kung nasaan yung ipo-ipo.


