parating na ang bagyo!! ramdam mo na ba ang lakas ng hangin habang ikaw ay nasa pampang?
kuha ito nung nag outing ang aming department sa batangas. noong panahong iyon, bago itong makulimlim na ulap at malakas na hangin, mataas ang sikat ng araw, sa ilang minuto lang na lumipas, bigla na lang nag iba ang panahon.
nakakita pa kami ng ipo-ipo sa dagat. ganun ka lakas ang hangin na parating sa aming lugar. paumanhin na lang po at yan lang ang kinaya ng zoom ng aking point and shoot. pero siguro naman eh naaninag ninyo ang ipo-ipo sa dagat? nilagyan ko na lang ng pang turo para alam nyo kung nasaan yung ipo-ipo.
My life unplugged
my daily thoughts and ramblings on motherhood, raising my kids, being a wife and everything else in between that matters in our life.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
madalas kong maranasan ang malakas na hangin sa dalampasigan. mukha ngang me bagyo.
happy hwebes!
malakas ba yung dumating na ulan? maligayang huwebes po!
weird. the water looks very still.
Siguro madalas malakas na hangin dyan sa Pinas..nakakatakot minsan pag may bagyo! Buti nakunan mo yan ng litrato!
Scrapbooking and Photography
yay! ang tapang ng mga tao sa bangka!! kahit malayo ang ipo ipo, sa blis ng galaw nito, maari silang mahagip *kakilabot*
galing , nakunan mo =)
Thess
buti nakunan mo yung ipo ipo sa dagat. madalang maka=kuha ng larawan nyan sa pagkat kalimitan ay sa laot nangyayari ang ipo ipo
Di ka ba natakot a ipo-ipo? Maganda at nakunan mo ng larawan!
Magandang Huwebes!
Tere
naku kitang kita nga na malapit ng bumagsak ang ulan, at naku po katakot naman ang ipo ipo .. Ang nakakatakot din ay kung ma stranded ka sa isla o karagatan.. tapang naman nung namamangka..
eto akin:
http://jennysaidso.com/2008/05/lp-9-ihip-ng-hangin-windwindy.html
kj naman ng panahon, hehehe. panira sa bakasyon.
iba nga ang itsura ng kalangitan...mukhang nais magbigay ng malakas na ulan na magkasamang malakas na hangin...bumagyo ba?
magandang araw ng Huwebes sa iyo.
RoseLLe (Reflexes)
kitang kita di nga sa ulap! Di natakot ung nasa bangka na ma ipoipo?
Kahit na may bagyo at ipoipo a maganda pa rin ang mga litrato mo! Masaya pa din pasyalan! Gandang LP!
Ang outing din namin laging tag ulan, hehehehe
Ganda ng kuha mo Haze. Naibigan ko
Happy LP
Jeanny
Ang aking entry
oo nga! ramdam na ramdam ko! bagyong bagyo ang dating ng mga ulap at ang pagbuway ng puno...
spiCes
happy LP... :)
http://linophotography.com
d lang mukhang mahangin... mukhang malamig din :-)
Naku, ang tapang naman ng mga nasa bangka... ipo-ipo na ang katabi nila... sayang hindi masyadong nakita sa litrato ang ipo-ipo.
tag-ulan na nga daw sa atin pero mainit pa rin daw e.
happy weekend!
wow! buti at nakuha mo ang litratong ito!!! ang galing!
happy weekend!
salamat sa lahat nang nag comment.
ngayon ko lang din napansin na ang larawan ko ng ipo-ipo eh may bangka sa di kalayuan. awa ng diyos eh ok naman yung mga nasa bangka. :)
@dyes: hindi naman ganun ka lakas yung ulan.
@ettey: nagsimula naman siyang ambon tapos lumakas ng onti at biglang umaliwalas ang panahon.
@kerol: i know!!
@ladynred: pag tagulan na dyan malakas ang hangin at bagyo.
@thess: sinabi mo pa! matapang talaga!
@bluepanjeet: timing lang talaga! buti na lang at hindi ako tulog ng mga panahon na yan or else wala akong lahok hehe
@tere: hindi naman kasi malayo siya sa amin.
@jennyl: pagkatapos niyan saka umulan
@komski: sinabi mo pa hehe
@roselle: umulan lang, kala kasi namin may bagyo din.
@mirage2g: mukhang hindi eh, o baka shocked sila at hindi na nakapunta sa pampang. salamat!
@jeanny: thanks!
@pinoymom: katakot noh?
@lino: salamat!
@iska: oo nga!
@leapsphotoalbum: mismo!
@marikit: ang labo talaga ng panahon noh?
@didscrapmom: timing talaga!
dalaw kayo ulit sa susunod na LP!
Post a Comment