Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

My life unplugged

my daily thoughts and ramblings on motherhood, raising my kids, being a wife and everything else in between that matters in our life.

Friday, May 2, 2008

LP# 5: Malungkot

sa mga pagkakataon na abutan ka ng lungkot, minsan ay mahuhuli mo ang sariling nakadungaw sa bintana. tulala. nagiisip.

ang pag dungaw sa bintana ay mistulang mga rehas ng kulungan ng iyong kalungkutan. hindi ka makawala, at makakilos ng lubusan. ikaw ay nilalamon ng mga pag iisip na nakakasira ng iyong pagiisip. na ang mga bagay sa labas ay tila abot ng iyong mga kamay ngunit malayo pa rin dahil sa mga nakaharang na rehas ng bintana at ng iyong kalungkutan.

paumanhin po sa masalimuot na akda. ang tema ngayon ay sadyang angkop sa aking kalagayan. miss na miss ko na ang mga chikiting ko dahil sila ay nagbabakasyon sa kanilang lola kaya ganito na lang ang lungkot sa aking puso. bilang ina, mahirap mawalay sa anak kahit na ba 2 jeep lang na pagpasahe ang layo nila sa akin. mahirap matulog ng hindi naamoy ang kanilang mga nakakagigil na halimuyak. ngunit alam ko naman na sa mga darating na araw eh makikita ko sila at balik sigla na ulit ang kanilang ina.

5 comments:

Dyes said...

damang-dama ko ang pangungulila mo sa iyong mga anak. minsan, pag malungkot nga ako, makikita ko na lang ang sarili ko na nakadungaw sa malayo

Dang said...

naku oo nga. mahirap malayo kahit isang gabi lang sa anak!!o sya, isipin mo nga na pagbalik nila super miss ka..happy thursday (naku friday na pag nabasa mo ito)

c b y said...

tama ka, ding! parang kulungan, nakaka sakal. napaka lapit pero ang hirap pa rin abutin. haaaay!

miss na miss na kita, ding!

Unknown said...

ganyan din ako madalas. ang sarap din kasi ng pakiramdam ng nakatanga lang at nakadungaw sa bintana. un bang pinagmamasdan mo lang ang paligid.

MrsPartyGirl said...

ganyan din ako haze - nakatanga sa bintana pag may iniisip na mabigat. at relate ako sa iyo pagdating sa pagkakahiwalay sa anak. alam mo naman eversince 24/7 kami ni ninna magkasama kaya malayo lang siya sa akin ng konting oras medyo balisa na ako. :(