Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

My life unplugged

my daily thoughts and ramblings on motherhood, raising my kids, being a wife and everything else in between that matters in our life.

Friday, May 9, 2008

LP#6: Mahal na Ina

paumanhin po sa delay ng aking lahok. =)

walang mga salita o mga akda ang makakapag halintulad sa unang paghawak mo sa iyong anak. na sa bawat hawak at haplos, tumatahan ang munting sanggol sa pagiyak. napapawi ang lahat ng takot. sa kandungan ni inay ang iyong tunay na tahanan. walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga supling. lahat ng paghihirap ay nawawala makasama lang ang mga hulog ng langit. ang sukli lang na hinihingi ay ang mga ngiting hindi maipipinta nino man.

at siyempre para sa aking ina. na kahit na para kaming aso't pusa kung magaway eh hindi ko pa rin ipagpapalit. nagiisa lang siya. kahit hindi mo nababasa ang blog ko, kahit na hindi ko nasasabi o napapadama ng pisikal. alam mong mahal kita. ganun lang ka-simple.

5 comments:

Thess said...

Happy Mother's Day sa iyo at sa iyong mother!!

naku wala naman yatang hindi nag-aaway na mag-ina ha ha...at least mahal na mahal nyo naman talaga isa't isa, napapawi rin ang tampo agad di ba? ;)

'til next LP!

Thess

AK said...

Haze,

Happy Mother's Day!

Cathy

Anonymous said...

haze, pasensya na at ngayon lang akon nakabalik.

Agree ako kay Thess, wala naman atang hindi nagaaway na magulang at anak... ibig sabihin lang talaga niyan ay tunay na mahal niyo ang isa't-isa.

Belated happy mother's day!

Haze said...

@ thess: salamat sa pag dalaw.

oo nga naman at halos lahat naman tayo nakaaway na ang mga nanay natin. kasama na ata yun sa package eh. haha

@ cathy: salamat sa pag bati!

@leap: mismo! love-hate relationship ba. hehe

sa susunod na LP mga friends!

MrsPartyGirl said...

happy mother's day haze! :)

sabi nga ng nanay ko pag nag-aaway kami: hayaan mo, pag inaway ka na rin ng mga anak mo bigla tayong magiging close (haha!) :)

*muah*